© 2003 SL Agritech Corp., All Rights Reserved.       
  [ News Update ]    See event listing and updated news about SL Agritech
  ...........................Corporation. Check back for frequent update on this site!  

SL Agritech, nilunsad ang ikalawang timpalak sa pagtatanim ng Hybrid Rice


MGA NANALO NOONG 2006 GINTONG BUTIL ACHIVEMENT AWARDS
Ang larawang ito ay kuha noong Disyembre 2006 nang idaos ang unang Gintong Buitl Achievement Awards ng SL Agritech Corp., na ginanap sa National Press Club Building sa Intramuros Manila. Makikita si Henry Lim (pangatlo sa kanan), habang inaabot niya kay Gng. Aida Badong ng Bgy. San Nicolas, Baao, Camarines Surang unang gantimpala o first prize na kanyang nakamit sa pag-aani ng 344 cabanes kada ektarya sa pagtatanim ng SL-8H hybrid rice seeds variety. Sa gawing kanan ni Mrs. Badong ay si Fernando Gabuyo ng San Jose, Nueva Ecija na umani naman ng 335 cabanes kada ektarya at siya ay tumanggap ng ikalawang premyo. Nasa larawan, mula sa kanan, sina Agriculture Secretary Yap; former Food Minister Jesus T. Tachangco; Nueva Ecija Rep. Nelia Chavez at PhilRice Executive Director Leocadio S. Sebastian.

Muling inilungsad ng SL Agritech Corp. at ng Philippine Agricultural Journalists (PAJ) ang taunang patimpalak sa mga magsasaka ng nagtatanim ng hybrid rice. Inihayag kamakailan ni Henry Lim, Chairman at Chief Executive Officer (CEO) ng SL Agritech Corp. na ang timpalak, na naglalayong mapalawak sa buong bansa ang pagtatanim ng hybrid rice ay bukas sa lahat ng magsasaka na nagtatanim ng SL-8H hybrid rice seeds variety.

Ang mga magwawagi sa nasabing rice production contest na sisimuan sa taong ito ng pag-aani- Nobyembre, 2007 hanggang Abril, 2008, o ang tinatawag na "dry season harvest", ay tatanggap ng malaking gantimpala kalakip ang tropeyong "Gintong Butil Achievement Award."

Ayon kay Lim, 12 magsasaka mula sa Pangasinan, Biliran, Mindoro Occdental, Ilocos Norte, Camarines Sur at nueva Ecija , ang nakatanggap na ng nasabing prizes o awards dahil na rin sa matataas nilang inani.

Sila ay pinangungunahan ni Aida Badong, isang 53-anyos na babaeng magsasaka sa munisipyo ng Baao, Camarines Sur, na nakapagtala ng aning 344 cabanes kada isang ektarya sa pagtatanim niya ng SL-8H hybrid rice seeds variety at pumapangalawa si Fer nando Gabuyo ng San Jose Nueva Ecija.

Si Gabuyo ay nakapag-ani ng 335 cabanes bawat ektaryang tinaniman din niya ng SL-8H hybrid rice seeds.

Si Freddie Dalisay at Renato Paulino ng Occidental Mindoro; Eugenio Ursua at Gladys Decasin ng Pangasinan at Damaso Taduran ng Camarines Sur ay nagsitanggap rin parangal.

Sila ay umani ng mula 11.3 metric tons (MT) hanggang 14.5 MT ng hybrid rice kada ektarya.

Marami ang pumupuri sa SL Agritech Corp. sa pagbibigay gawad sa mga magsasaka. Ang proyektong ito ay magkasanib na isinasagawa ng SL-Agritech at ng Philippine Agricultural Journalists o PAJ sa pakikipagtulungan ng Ginintuang Masaganang Ani (GMA) Rice Programa ng Department of Agriculture.



 
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
  .Top Stories    
 
..Pinarangalang Mga Magsasaka, "Bagong Bayani Ng
..Bansa" - LIM
“Kayo ang mga bagong bayani ng ating
..bansa.” Ito ang papuring binigkas ni Henry Lim
_Hybrid Rice opens expansion opportunity for rice
......milling
.With old machines aged at least 20 years, milling
......recovery rate in the
 
..China's aggie group to invest $5 billion in hybrid
..corn and sorghum production
Jilin Fuhua Agricultural
..Science and Technology Development Co., Ltd. of
..
..
In response to its commitment to the Nation's rice
..sufficiency program, SL Agritech Corporation established
..its own Research and Development Center in a 40
..
Hectare agricultural land in Oogong, Sta. Cruz, Laguna.
 
_
 
..Much has been said and written about this miracle
..crop
Much has been said and written about hybrid rice
..that this miracle crop is a big boost to our rice
 
..Nueva Ecija farmer on track for world rice yield
..record
The Philippines is close to setting a world record
..for hybrid rice yield as the dry harvest nears and with a
 
..GMA national coordinator shows way to rice farmers
. .
record
ive years ago when the GMA Rice Production
...Program was launched, he mortgaged
 
..NIA, nangangailangan ng P10.5 bilyon para patubig
..sa mga palayan
Ang National Irrigation Administration
..(NIA) ay nangangailangan ng pondong P10 bilyon sa
 


SL Agritech Corporation

Sterling Place 2302 Pasong Tamo Extension, Makati City 1231 Phil.
Tel No.: (632) 813 7828 * Fax No.: (632) 867 3274
Email: slac@sterlingpaper.com




sitemap | contact us | links